"Nakakatawa na nakakalungkot tanggapin ang mga pagbabago."
Reblogged from sumasablay
(via sumasablay)
Ilalagay lahat ng mga bagay na nasa ilalim ng kategorya sa taas. Bahala na kayong tumikim.
Reblogged from sumasablay
(via sumasablay)
Asked by Anonymous
Hindi sa ganun. Iba naman to sakanya. Dapat alam niya yun. Mataas pagpapahalaga ko sa mga kaibigan ko. Bawal ba malungkot kapag may umalis na kaibigan? Labas naman dapat siya dito. Nabanggit kolang pangalan niya dahil sa teks. No more no less.
And the tears come streaming down your face
When you lose something you can’t replace
When you love someone, but it goes to waste
Could it be worse?
(Source: walangespesyal)
Paggising ko kahapon mga 4:45pm, nabasa ko yung teks ni Joey na kita daw kami ng 4pm dahil flight na niya ng 6am. Gulat ako. Lagpas 4pm na. At flight na niya? Putangina. Tineks ko agad siya na kagigising ko lang. Osige daw punta na siya ng technohub at aantayin ako sa Starbucks. OO alam ko mabagal akong kumilos, pero gumayak ako sa pinakamabilis na kaya ko.
5:30pm nakaalis ako ng bahay. Sobrang trapik. Nilakad hanggang 15avenue. Dapat maximum na yung mga 45mins na byahe. 6:50 na ng dumating ako ng technohub. Nagteks si Joey na kailangan na niyang umalis at ibinili niya ko ng kape na iniwan nalang niya kay Sasha.
Kahit alam kong late nako, mabagal ang lakad ko. Lingon sa kaliwatkanan. Baka sakaling makita ko si Joey na naglalakad palabas palang o sa overpass o sa entrance o kahit saan. Pero dahil napakaswerte ko, dumating ako ng office na walang nadaanan kahit bakas niya.
Mabigat loob ko. Ayoko mag-log in. Ayoko magcalls. Naiiyak talaga ko. Walang kwentang kaibigan ka tangna mo sarrah. Nakadagdag pa kasi tinatawagan ko si Joey at sinasabing ‘this call is not permitted’ kaya iniisip ko baka galit siya sakin at nakablock nako sa phone niya. Wala ng kasiguraduhan kung kelan kami uli magkikita, baka lima pito o sampung taon mula ngayon. At sa huling pagkakataong nageffort siya, binigo ko siya.
Nagdrama ko sa chat namin, walang pumansin. Nagteks ako sa mga malalapit na kaibigan. Walang nagreply maliban sa ‘nagtampos sau..’ ni Glen ng halos alasdose na. Ewan kung pagkakataon, pero magisa din akong nagyosi sa lunch ko. Nakakaiyak talaga. Hanggang sa umuwi ako, mabigat padin ang loob ko. Badtrip pa dahil tineks ako ng boypren ko na ‘pasusunurin kita ke joey eh’. Di maganda yung dating. Galit ang pagkakasabi. Siguro nakakaburat akong pagtyagaan kapag malungkot o depress ako.
Nasaktan ako sa lahat. OO alam ko wala naman kasing nakakaalam at nakakaintindi kung gaano kahalaga sakin si Joey. Putangina ni wala kang mahagilap na kadamay. Wala akong maiyakan. WALA.
Maraming beses na akong nahiwalay sa pinakamalapit na kaibigan. Umalis ng Cavite, iniwan si Imy. Nangibang bansa si Ana. Atbp. Pero ngayon ko nalang uli naramdaman to. Naalala ko yung iyak ko sa jeep habang paalis kami ng Cavite o yung lungkot ko sa bus paalis ng Nueva. Putangina. Ngayon nalang uli ako nalungkot at naiyak ng ganito.
Kapag nawalan ka ng tunay na kaibigang kasama mo halos araw-araw, para kang nanakawan ng diary. Para kang nawalan ng anino. Nawalan ng panyo kapag umiiyak. Natanggalan ng sasandalan at kamay na tumatapik ng marahan sa balikat. Nakuhaan ng kasama mong magpizza o magkape kapag stress ka.
Siguro ganun talaga. May mga luha na nilalasahan magisa. May mga taong akala mo dadamayan ka pero hindi pala. May mga drama na kakainisan lang. May mga lungkot na nilalasap magisa. Ganun talaga Sarrah. Masanay kana.
Reblogged from sumasablay
Hipag ko (via sumasablay)
(Source: freeserotonin)
Nung lunes, nagkataon na nagkasabay kami ng break ni Joey. Habang nagkakape, sabi niya nahihirapan na siya. Laging walang tulog at pagod dahil pinagsasabay niya ang trabaho, pag-aayos ng requirements at pamilya. Umabsent pa siya nung linggo. Gusto ng TL niya magpakita muna siya ng ticket. Dahil pakielamero ko, sabi ko sakanya ‘wag ganun. Kausapin niya TL niya. Hindi maganda yung aabsent siya. Kausapin niya TL niya. Binigyan ko pa siya ng mga verbatim na pwede niyang gamitin. Tulad ng “TL ayoko talagang makaapekto sa lost hours ng team, pero napakadami kong inaasikaso at sana bigyan mo ko ng option. Kung kaya eh magfile ako ng emergency leave o immediate resignation. Kasi kung hindi, hindi ko maiiwasang mag-absent.”
Nagulat ako pagkatapos ng shift, sinabe sakin ni Joey na pinayagan siya at last day na niya kinabukasan. Bang gulat ko. Ang bilis ng mga pangyayare.
Nag-jollibee kame kahapon after shift. Kinukwento niya na naka-hang pa ang mga pangyayari at basta dumating visa niya, dalawang araw lang lipad na siya. Dec24 darating ang tatay niya at sana abutan pa niya.
Sa last shift kanina, nagulat ako ng nilapitan niya ko sa station at biglang sabi na dumating na yung visa niya kanina lang. Halo-halo yung pakiramdam ko. Parang gusto kong mag-logout at iinternalize muna lahat. Masayado naman atang mabilis. Akala ko makikipagdwelo lang ako sa katotohanan na last day na ni Joey sa trabaho kahapon, biglang ilang araw nalang din pala niya sa Pinas at pwedeng huling pagkikita na namin. Tangina yan.
Kita ko kay Joey na malungkot siya. Sa posibilidad na hindi makakasama ang pamilya at ang pagdating ng tatay niya na baka hindi na niya mahintay. Marami pang iba. Kaya sabi ko sa sarili ko, bawal malungkot at magdrama. Hindi nako dapat dumagdag pa.
NagMcdo kame after shift. Sabe niya pipilitin daw niyang mag last bonding kame bago siya umalis. Normal na kainan at kwentuhan. Nagpapicture kami. Na hindi normal. Nung pasakay na siya ng jeep, gusto ko talagang yumakap ng mahigpit. Kaso baka maiyak lang ako kaya wag na.
Sabe ko nga sa post ko dati na siya ang anghel ko sa Convergys, yung mga panahong mag-isa ko at halos ayoko na, dumating siya. Nitong pagpasok ng December, magkaiba na kami ng schedule at restday. Palagian naring andyan ang mga team mates para sumabay sa break lunch at pag-uwi. Medyo malungkot pero nakapag adjust na kami ni Joey.
Sa buwan na to, hindi lang niya alam pero tinetreasure ko lahat ng mga saglitang pagkikita namin. Pagkakasalubong sa cr o locker room. Di sadyang sabay na break at lunch. Mabilisang kape at kwentuhan. Simpleng pagdaan sa station ko at pagkalabit sa balikat. Mga maliliit na ‘i miss you’. Minsan yung mga bagay na yun ang nagdadala ng araw ko. Hindi niya lang alam.
……………………………………………………………………………….
……………………………………………………………………………….
……………………………………………………………………………….
Sorry naiyak ako. Tuldok lang kaya kong pindutin. Kakapit ako sa sabi niya na magkikita kami bago siya umalis. Masaya ko para sakanya. Malungkot ako para sakin. Alam mo yun. When you’re happy but you cant clap your hands.
(Source: walangespesyal)
Hindi ako nakakapag post lately.
Walang oras.
Daming lakad.
Bihira maginternet.
Makakalimutin ako. Kapag nangyare at naiisip ko tapos hindi ko nai-blog ng mga dalawang araw, limot ko na agad.
At higit sa lahat, napansin ko na tahimik nako lagi simula ng nagboblog-blog ako.
Ako kasi yung tipo ng tao na kapag naikwento o nailabas ko na ng isang beses yung nararamdaman ko, solb na ko dun. Ayoko ng paulit-ulit.
Dahil dun, imbes na magkwento ko sa kaibigan o ke pag-ibig eh hindi ko na nagagawa. Parang ang korni ng linya na ‘basahin mo na lang sa blog ko’. Lost in space si Sarrah na madaldal at mahilig magkwento.
Ibinabalanse ko muna. Hahahaha. Conflict.
@4LoQoJones, How to Turn on a Man - Cosmopolitan
(Source: walangespesyal)